ORAS NGAYON




ALA EH... CHRISTMAS NA!


MGA NALIGAW AT NAPADAAN

CHIKAHAN CORNER

Powered by Friendster Blogs
Member since 03/2005

September 03, 2008

HALO-HALONG KUWENTO NG IMBENTOTERANG SALES GIRL! BOOM!

ACT 1: SCENE A.

ilang taon din akong naging sales person. sa bawat panahong daraan tulad nito, "-ber months", ayan na naman ang

raket namin. halos lahat na yata kaya naming ibenta. computer, kalkalator (hahah! i mean, calculator!), lagari,

kubyertos, kawali, lighter, gasul, kutsilyo, gunting, hair accessories, pampapayat ng mataba, pampataba ng

payat, pampalaki ng maliit, pampahaba ng maiksi, pampasaya sa nalulungkot, ewan. basta. lahat.

una kong sinubukan ang mag-demo ng kutsilyo. diyan sa department store sa Recto. ang saya-saya ko dahil sa wakas

may trabaho na ako. ang daming kutsilyo! ang gaganda at lahat bago. sana maiuwi ko sa amin nang masubukan ko pag

nagluto ako sa amin.

ang ganda talaga ng mga kutsilyong iyon! bilib na bilib ako.

unang araw ko sa trabaho.

"galingan mo ah? pag madami kang nabenta, sinisiguro ko sa iyo na bibigyan kita ng maraming komisyon!"

"talaga boss? o sige po!"

dali-dali na akong pumunta sa estante namin. yan na! i'm so excitement! ahahah!

"sir, ma'am lapit po kayo. may bago po kaming produkto. NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po

kayo, tingnan niyo. "

pakiramdam ko, ako si Rachel Ray. Para akong may cooking show na ako ang bida! Cooking ng inang yan! Ang saya

ko.

Lumapit na ang mga tao. Mga kulang-kulang 15 sila. at unti-unting dumadami. okay na rin. at least feeling ko may

televiewers ako. Karamihan sa kanila mga nanay.

"Okay ba yan?" sambit ng isang tangahanga.

"opo ma'am, sir! okay sa olrayt! Lahat kaya nitong gawin. Kaya nitong maghiwa ng gulay within 30 seconds. hindi

na kayo maiiyak sa sibuyas dahil napakabilis trumabaho nito. o kaya tingnan niyo ang chopping board na ito,

kayang-kayang lagariin! at tingnan niyo ang bagong-bagong combat shoes na to na sobrang kapal! kayang-kayang

hatiin! Magpikpik ng bawang? walang problema. pitpit to the max sa isang hampas lang."

ang totoo, pagod na ako. kulang pala ang isang horsepower, 35 joules, at 47.99 kwh of force para makumbinsi mo

ang tao na bumili ng produkto mo. ibang klase. hiningal ako dahil halos hindi ako huminga makumbinsi ko lang

silang bumili ng NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo.

"maghiwa ng sobrang tigas na baka? walang kapawis-pawis. with our state of the art craft, it's the best tool you

can never miss in your kitchen...blah blah blah...

...and it's so safe kaya nitong papatay ng tao. rapist, magnanakaw, oportunista... name it! puputulin ko pa

daliri ko! ayoko na. hinihingal na ako. para akong gago. pero go lang. bumili na kayo kung ayaw niyong masaktan!

Php450 lang. isang set na. may kasama pang dvd na bold kung gusto mo."

ewan ko kung anong klaseng ispirito ang sumanib sa akin. buti na lang hindi ko nasabi yan.

nahulog na ang microphone kong may headset na basang-basa na ng microdroplets ng laway ko. tawa ang mga tao.

tawa rin ako. para akong gago. sige lang. ang mahalaga naman bumili sila.

ilang linggo. nakakakumisyon naman ako sa aming NICE kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo,

tingnan niyo. at pagkatapos ng isang taon, nakaipon na rin ako. binigyan ako ng boss ko ng isang set ng NICE

kutsilyo. mura na, malinis at stainless pa. hali po kayo, tingnan niyo. at ginamit ko na sa bahay namin.

impyerness, kumbinsing!

masaya ako. kahit hindi ako nakatapos ng high school, masaya ako dahil masasabi ko na rin na may kaya akong

gawin!

pero  sawa na ako sa pagdedemo ng kutsilyo. gusto ko iba naman!

petiks  for one month. pahinga muna.

pero pagkatapos nun, hanap ako uli ng bagong target.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

ACT 2: SCENE B.

at ito, dun naman ako sa raon. ang saya-saya. may bago na naman.

ang ibebenta ko?

DVD player at mga CD. pirated pero okay lang. mas madali kita nito dahil maraming parokyano. madaming bibili.

bumbay ang boss ko this time.

"o kailangan dito, mabilis, maliksi, matalino, magaling magsalita at magpalusot. at magaling magligpit ng

estante pag nandiyan na ang mga comrades ni Chairman at ni BFF. kailangang matinik kung nandiyan na ang pwersa

ni Shaider. ok?"

"opo manager!"

"oh, ma'am sir... anime, grey's anatomy isang box, dr. house, anime, bleach, naruto, hentai, bold, paris hilton,

angel locsin, sampaloc dorm scandal, malinaw ma'am sir. pwede i-testing. pag di gumana. pwede pong ibalik. we

have your movies here for as low as P10. try it now. audio rin. yoyoy, willie, regine, manny pacquiao... para sa

bayan ang presyo na ito. "

ayus! dami. suki ko estudyante, mga manyak, mga retailers, mga teacher, may artista. naalala ko may isang

komedyante bumili sa akin. nagpa-picture pa ako.

smooth sailing ang business namin. ang saya-saya. mura man, malakas naman ang kita. di ka mawawalan ng customer.

kahit madami kami dun, assured that we have the top of the line CD writers thaT records everything in high

definition!

panira lang pag dumarating ang alagad ni Chairman.

pakiramdam ko, soundtrack na namin ang kanta ng Maskman...

"Humanda na kayo, kampon ng kadiliman. Oras na ng pagtutuos. kasamaan ay dapat matapos. Narito na sila (tenk!

tenk! tenk!) bayaning tagapagtanggol! Sa masama'y lilipol!!!"

hala! ito ang na-develop ko sa walong buwan na inilagi ko. naging mala-Flash ako sa bilis kong magligpit ng

gamit namin. takbo!organized. at lagi akong nakakatakas. at kinabukasan babalik muli! "Thriller!" bilib ang boss

ko.

pero natakot ako eh. paano na lang ako? eh kug mahuli ako ng pulis? mag-isa nga ako sa buhay pero hindi pwedeng

ganito. wala ngang mag-aalala sa akin pero may matino akong bahay na inuuwian kaya ayokong makulong. at isa pa

ayokong malagyan ng tatoo. ayoko.

iniwan ko na ang trabahong iyon. walang pasabi. alis agad. wala nang backpay. ayoko na.

hindi ko alam kung bakit hook na hook ako sa pagtitinda. kasing hook kung paano ka na-hook kay Dao Ming Ze at

F4. gustong-gusto ko ang nagbebenta. masaya kasi para sa akin. yun lang nagsasawa ako agad. pero yun at yun rin

ang hinahanap-hanap kong trabaho.

balik department store ako. sa Carriedo naman.

pero hindi naman ako nagdedemo doon. dun ako sa women's apparel.

lahat na ng babae nakita ko na. magaganda na akala ko may pera, wala naman pala; mga jonget na minsan kong

hinusgahan na hindi bibili, bibili pala (sorry po. ito ang common na ayoko sa mga sales person sa mundo.

nangyayari talaga ito. hindi ko sinadyang isnabin po kayo. magtatanda na po ako.); mga tama lang. tamang bili,

tamang layas; yung mga rich kids na estudyante, mga simpleng tao, nakakatuwang customer, bakla at tomboy, kung

sino-sino pa..

"thank you come again... thanks for giving the exact amount ma'am. eto po, dahil worth P1000 ang nabili niyo,

may free gift po kayo. Punta na lang kayo sa bay18 to claim your free gift. isang pares ng elegant earrings with

studded pwet ng baso at manipis na metal plating. especially made for beautiful women like you."

ang ganda ng uniporme ko. ang iksi at feeling ko ang sexy-sexy ko. kaso lang pag nasa jeep ako, bakit kaya lahat

ng lalake nakatingin sa akin? maiksi lang naman ang one piece, one colored uniform ko at kapag bumababa ako ng

jeep halos makita na ang panty kapag yumuyuko ako. yun lang naman tapos tinitingnan na nila ako? wala naman

akong motibo ah?

isama mo pa ang stockings kong skin tone at Havana footwear.

ayoko na rin. after 6 months, nagsawa ako. petiks muna.

pero kape-petiks ko, naubos rin ang pera ko. ayun, hanap uli.

hindi ko maiwan ang Maynila. ano bang meron dun at doon ko gustong-gustong magtrabaho? taga-Rotonda naman ako?

hindi ko rin masagot ang sarili kong tanong. pero I love Manila. heheh! at love ko rin si Mayor Atienza! yehboi!

hanggang ngayon.

at ang nakakatawa, sobrang desperado ako noon. punta ako ng Quiapo. nagdasal. wala na akong pera. kailangan

rumaket. paano kaya.

may isang lalake sa may LRT 2 at nakita kong may mga dala siyang mga de-kahon at parang luging-lugi siya.

"kuya, wala akong raket. Gusto mo ba ako na ang magbenta? ta's balikan kita. wala lang talaga ako. ok lang ba?"

hindi na siya nagsalita. binigay niya sa akin ang bag.

at anong laman?

parang gusto kong matawa nang mabuksan ko ang box. anong strategy ang gagamitin ko dito? hindi kaya kuyugin

ako?:

"HUHUHU... sex ring.. vibrator... bili na kayo?"
"dude, pampaligaya? gusto mo?"
"the best sex toy in the whole universe. wanna try? for only P300 you're guranteed 100% satisfaction at the

comfort of your own self."

wait there's more!

"pag bumili ka ng isa, libre na ang isa pa. para sa iyo at sa partner mo. tig-isa kayo! tahimik to. di

tumutunog. at pwede na yung battery na nabibili mo sa tindahan yung sampu-apat. di pa madaling ma-low bat! bili

na! ang mag-iingay kayo lang! hindi yung vibrator."

and we don't stop there.

"refer your friend and get P5 off sa sex ring! pangiliti din to! you can use it anytime but not anywhere. just

wear it in your middle finger at mapapasigaw na kayo! get get aww!"

ang bastos ko ba? hindi ko nga nabenta eh. wala. butata. ang hirap kaya magbenta ng bagay na hindi mo masubukang

gamitin?

waahhhh!!! anong gagawin ko?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------
ilang buwan pa ang lumipas.

"jingle bells.. jingle bells.. jingle all the way... "

benta mode uli. sa DV. Christmas decors.

ubos na yata strategy ko. naging commoner ako. ang makulit na tindera, bow.

"Ma'm, sir, try niyo po yung mga Christmas balls namin. makintab at di madaling kumupas ang kulay. We have red,

green, gold, silver... Mura lang po. at may candy kane din kami., mini Santa, Christmas light po. may blinker at

wala. in different colors rin po. maganda po i-display sa bahay at sa hardin niyo sa halamanan. at star na

pantuktok sa Christmas tree. may Christmas tree rin po kami, 3-6 feet lahat meron. may Christmas package din

kami. bili kayo for P2500, lahat ng nabanggit ko makukuha niyo sa isang bagsakan...

may panregalo rin kami rito.. ano pa sa inyo.. pili lang..."

lapit kay ma'am, lapit kay sir.. sila naman lalayo.

makakalit amo Intsik pak wala kami benta. baka wala ako sweldo pak wala benta. Huwak kayo kalimot bili amin. Pak

wala bili amin, wala pela. Ako iyak, tadyak akin kasela sa bahay pak wala bayad lenta. Potah!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

to be continued...  someday.

 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

addendum:

 

"Manong pabili nga ng taho? "

"Ilan?"

"dalawa."

"magkano?"

"lima isa. so bale sampu."

"ma, bayad. (P100.)"

"wala ka bang barya?"

"keep.... "


"...the faith in God."

"... ito sampu Kuya. Thanks."

                            

August 15, 2008

LOOKING FOR MY LONG LOST FRIENDS... :)

baon ang isang pakete ng DIP SEA (branded na fish cracker) na nabili ko malapit sa gusali ng aming opisina, naglakad na ako pauwi at napadaan ako sa isang tindahan ng mga appliances. lahat dun meron sila. TV, air-con, refrigerator, washing machine at siyempre pa, ang stereo.

napakalakas ng tugtog noon. talagang agaw atensyon sa lahat ng dumadaan dahil nag-iisang appliance store lang naman sila dun. nasa tabi sila ng EVER Commonwelath.

HIndi ako nagpo-promote no?

natawa lang kasi ako dahil may narinig akong nakakatawang at nakaka-relax din namang pakinggan na mga tugtuging HIP-HOP.

habang naglalakakad ako at kumakain, pinakikinggan ko ang kanta. sumasabay ako. palibhasa wala naman akong kasunod na naglalakad kaya ang lakas ng boses ko. feeling ko gumagawa ako ng MTV sa daanan.

ewan ko. nakakaloka lang talaga. super sabay ako dahil kahit papaano nahahabol ng utak ko ang lyrics nang mahintuan ako. iba. iba yung salita.

TAGALOG? BISAYA BA? teka. teka.

pero hindi eh... LOW (kanta ni FLO-RIDA) yun.

tumigil ako at tumambay ng konti dun sa appliance store.

oo nga. low yung tugtog pero eto yung lyrics:

Adtong ni aging gabiee
Gi invite me og birthday (og brthday)
Sa party dghanang butiti (butiti)
Wa me balow (wa me balow)
D I kad2 mka hillo low low low…...

<uyyy.... kinakanta niya.. hahahah!!!! hahanapin niya pa sa youtube! wag masyadong malakas baka pagtinginan ka diyan sa PC-han.>

di ko rin alam kung anong ibig sabihin pero tawa ako nang tawa. hindi naman dahil katawa-tawa iyon sa masamang paraan. para lang kasing kakaiba.

kung kasing manhid ka ng naturukan ng anesthesia, malamang walang dating sa iyo yun.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------

di ko rin alam kung gaano ka-talentado ang mga bata ngayon. ang bilis mag-rap. as in. kahit may mura, walang preno. sige-sige lang. kahit hindi nila naiintindihan ang kanta at lumulobo na yung mga sipon nila, go lang nang go.

may mga kantang pang-siga. ewan ko kung sinong nakaimbento ng kantang yun. yung iba, sayaw lang. at ang nakakagulat, alam ng mga bata ang kantang tumatalakay sa pag-ibig at mga pangangaliwa. grabe na to!

may mga grupo kasi ng mga bata-batuta sa tabi ng bahay namin na naririnig kong kumakanta and they are blasting their rhymes.

<mula sa kantang "KABET" by Gagong Rapper featuring Kyla.. uy, yan talaga ang pangalan nung rag group!>

"Kay sakit naman isipin na sa puso mo ako'y pangalawa
sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko aking mga mata at sa gabing kasama mo siya
halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay haggang sumapit ang umaga ng muli kang makasama.

...and so on and so forth... <haba ng rap eh.>

at akalain mong umentra naman ang babaeng bata na ito ang linya niya:

"Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya"

uyy.. gagawin niyang shoutout sa friendster... hahahah!

nakakalurkey talaga ang mga bata. panalo. alam na nilang gumawa ng singing and rap group.

upgraded na ang pagro-role playing ng mga bata ngayon.

dati, lutu-lutuan at bahay-bahayan lang ang alam nila. o kaya teacher-teacher-an...

 

sali niyo na sa Wowowee!!!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

hindi naman yan ang kuwento ko ngayon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

 

minsan, gumawa ako ng isa pang friendster profile dahil dini-delete ng iba kong mga kaklase yung profile ko kasi naging fan profile na nga. hindi sila pumayag na maging fan ko.. ahahah!! sabagay hindi naman sila mahilig magbasa ng blog ko at nadamay lang sila sa conversion ng profile ko.

anyways, ibang klase din. nagsimula ako ng panibago pero hindi na naging mahirap sa akin na hanapin ang mga friends ko dahil ma-network naman ang friendster.

pero ang talagang hinanap ko ay yung mga kaklase ko noong highschool at college.

ilang taon na rin yun nung huli kaming magkita.

napakarami nang nagbago sa kanila. sa akin, ewan ko. meron ba? wala yata. heheheh!!!

tawa ako nang tawa kasi kung ano-ano ang nasasabi ko. hinanap ko sila by name. kahit 1 of 35 ang results na nakikita ko, sige pa rin ako. ewan ko rin kung anong pumasok sa ulo ko nun at naghahanap ako ng mga long lost friends ko.

tulad na lang nito:

"dati-rati lang nung highschool kami, ang tahi-tahimik nito. as in mas maingay pa sa kanya ang mayang tiririt, ngayon rocker na at may banda pa!"

"noon, lagi lang siyang pinapagalitan ng teacher namin kasi lagi siyang walang assignment, ngayon English teacher na siya sa mga Korean students! taray!"

"noon lang hinahabol-habol ko to kasi sobrang crush ko siya, pero bakit ngayon mukhang nag-crash? wahhhh!!! na-stress?"

"dati lang ang likod niya at  harap walang pinagkaiba ngayon, may dibdib na siya! huwaw!"

"parang baby-baby lang ang mukha nito dati, ngayon may baby na siya. kainggit!"

"noon ang taba-taba niya, ngayon sexy na! saan ko kaya to matatagpuan nang sumama naman ako sa kanya!"

"ito ang super talino noon sa klase namin, ngayon, mas big time pa! Kyemelyn School of Chorvaloo in the Far Away Country taking Bachelor of Eklavoo Major in Chuvaness! "

"Hahahaha!!! Nag-Nursing din pala si gago!"

"Sino na nga ba ito? Kilala ko ito eh... "

"Ah!!! NAging sila? Eh dati parang aso sila ah! Ngayon tao na! hahah!! Joke lang! nainggit lang ako.. "

"Dati super ganda nito ah.. bat ngayon yung pimple niya parang tinubuan ng mukha?"

"Dati ito ung may crush sa'kin na hindi ko pinapansin kasi scholar pa ako nun. Ngayon may asawa't anak na siya. HUHUHUH!!!"

"ayy... ang guwapo niya pa rin... "

"dati negra to ah! Ba't ngayon ang balat niya, sa sobrang puti, siya na ang second place pagkatapos ng bond paper!"

"oi... celebrity na siya!!!dati unpopular siya sa school namin. pero nung sumali siya sa TV Show na "Chorvahan Na!!" ayan, sikat na siya ngayon. Maalala pa kaya ako nito?"

"NAKANANG! soldier! pa-burger ka naman!"

"pucha! paano siya tumangkad ng ganun? dati hanggang balikat ko lang siya eh.."

"babae ba siya o lalaki? Alam ko sir ang tawag namin sa kaniya noon sa CAT? bat may boobs na siya? "

"ui... nasa States!!! "

"Private profile? feeling maganda pa rin talaga hanggang ngayon!"

"tagal na nila.. sila pa rin!"

"teka ito yung nambu-bully sa akin dati ah... ano nangyari sa kanya? NAgkasakit ba siya? Siguro na-karma... Belat!"

"Eto yung nagnakaw ng libro ko dati saka calculator ko nung pirmahan ng clearance sa Geometry. Ang kapal! Nasa public pictures niya pa ang mga gamit ko! Grabe!"

"Aysus! Behbeh koh 45.76 I love you so much forever...happy monthsary... daysary... hoursary.. exaj!!!! hiningal ako sa "H" ah!"

"PLEASE ADD ME.. anuver? "

"ahhahah!! CALL CENTER HOPPING? dinaig pa ako!"

"fourth year... college... huminto ba siya? O nagtrabaho muna? "

"ay iba na to ah... 2nd year college kami nun, 2nd year pa rin siya... "

"bum."


pero alam niyo, hindi maikakailang ang dami na ngang nagbago. ako, mataba na ako dati. at tumataba pa. ahahah!!!

talagang parang pagkatapos ng eskuwela, nandiyan pa rin ang pagkakaibigan pero hindi rin maitatago na nagkaniya-kaniya na rin.

dati, sabi sa akin ni Chorvah nang matapos kami ng high school, sabay daw kami mag-enroll sa kolehiyo.. ek-ek.. pero nawala na siya.

Reunion daw... ewan. di na rin kami nagkakatagpo. Nasaan na kaya sila?

Ikaw, nami-miss mo ba yung mga kaklase mo dati? Nung elementary ka? HighSchool, College? O yung mga batchmates mo?

FRIENDS FOREVER....

August 02, 2008

ONE LINERS

========================================================================

bago ko simulan ang kuwento, ito kasi yun..

papasok na ako sa trabaho at sumakay ako ng taxi.

huminto na ito sa harap ng building ng opisina namin nang magbayad ako ng P50 dahil yun ang metro.

nang ibigay ko...

mega-turo si manong sa sticker niya:

"ADDITIONAL TEN PESOS FROM THE FARE."

syet!

========================================================================

masyado yatang mabilis para sundan ko ang post ko dito nung JUL 30.

wala lang. kasi may bigla lang akong naisip.

mahilig kasi ako gumawa ng one liner jokes. naaalala niyo ba yung mga ganito:

***

"hindi lahat ng green ay masustansiya..."



-plema

***

yung mga ganyan. hindi ako nagpauso niyan no?

madalas kong biruin ang mga kaibigan ko, gagawan ko sila ng one liner at jini-GM (group message) ko sa kanila. tatawa naman sila. ako naman ubos ang load. ahahhaha!!

========================================================================

medyo malayo ang post ko sa naiisip ko pero may koneksyon ng konti.

hindi ako gagawa ng joke ngayon. ayoko lang din sigurong pakawalan ang ideyang nasa isip ko ngayon.

siguro kung ang mga tao sa Pilipinas ay gagawa ng ganito, baka may lalabas na mga ganitong klaseng one liners.

"ang mahal naman ng pamasahe. manong, sukli ko po..."


-estudyante


========================================================================

"kailangan namin ng bahay..."



- pulibi sa kalye na na-demolish lang ang bahay nila kanina

========================================================================


"ang taas naman ng bill namin sa tubig at kuryente..."



-kapitbahay na jina-jumper ng isa pa nilang kapitbahay.

========================================================================

"ang hirap naman nito..."


-batang may hawak na libro pero hindi marunong magbasa

========================================================================

"ang sakit ng katawan ko..."


- batang inaabuso ng kanyang magulang

========================================================================

"sino bang dapat iboto?"


- first time voter na nakatayo sa harap ng mga tarpaulin ng mga bagong kandidato.

========================================================================

"nasalubsob ang paa ko!"


- batang papasok sa eskwela na ang suot ay lumang-lumang sapin sa paa.

========================================================================

"wala na ba kayong makain?"



- asong kakatayin ng mga lasenggo


"oo nga... "

- sabat ng mga dagang nahuli rin ng lasenggo para lutuin.

========================================================================

"ibagsak! ibagsak!"


- sigaw ng mga nagra-rally

========================================================================

"hay, ang kalat talaga..."



- monolgue ng metro aide na nagwawalis ng kalat na iniwan ng mga nag-rally

========================================================================

"gusto ko nang umuwi kaso hindi pwede. huhuhuhu!!!"


-OFW na nami-miss na ang pamilya niya. hindi lang siya makauwi kasi kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng malaki para sa pamilya niya.

========================================================================


"anyeong haseo!"


- koreanong estudyanteng transferee sa isang university sa Pilipinas.

========================================================================

"huwag po..."



- batang babaeng nagmamakaawa sa amang manggagahasa sa kaniya.

========================================================================

"... ... ... "


-empleyadong walang masabi sa boss niyang nangpa-power trip.

========================================================================

"wala pa pong response galing sa ahensiyang hiningian namin ng tulong"


- pasyenteng magaling na at nakikipag-usap sa social worker at doktor pero hindi pa makalabas ng ospital kasi wala silang pambayad.

========================================================================

"i want to be a nurse."


- Pilipinong doktor na kumuha ng BS Nursing

"sama kami..."


- mga may edad nang second courser for the sake na maka-abroad din. o maki-uso na rin.

========================================================================

"tumahimik na kayo!!!!!!!!!!"


- nanay na nakukulitan na sa labindalawa niyang anak.

========================================================================

"dapat supervisor na ako eh."


- empleyadong biktima ng palakasan system

========================================================================

"bakit siya ang inuna niyo eh kanina pa ako dito?"


- aleng medyo matanda na at hindi kagandahan na hinuli dahil pinasingit ng lalaking cashier ang magandang namimili.

========================================================================

"ayoko na talaga."


- taong ilang beses nang kumuha ng licensure exam na take 8 na hindi pa rin pumapasa.

   

nag-asawa na lang. hay....

========================================================================

"gusto ko nang mag-asawa."


- anak ng mga magulang ng isang pamilya na lahat umaasa sa kaniya. may 4 pa siyang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo. 35 years old na siya.

========================================================================

"bilisan mo!!! "

- 2 snatcher hinahabol ng pulis

========================================================================

"ahhhhhhhhhhhh...."


- ale, sumisigaw kasi hinila ng 2 snatcher yung pareho niyang hikaw sa 2 tenga.

  ang sakit nga.

========================================================================

"i want to marry you..."

- Pinay na pinapangakuan ng kasal ng kanyang boyfriend na foreigner habang siya ay may asawang tao dito sa Pilipinas at may 5 maliliit na anak.

========================================================================

"i am sorry."


- alam niyo na kung sinong nagsabi niyan

========================================================================

"manong, paki-palitan kasi hindi po umandar."


- teen ager na pumunta sa Quiapo kasi bumili siya ng DVD pero ang totoo umandar naman iyon. kunwari lang hindi para mapalitan na nang bagong DVD. take note, pirated pa yan! na-pirata pa si manong! aysus!


========================================================================

"ma'am, ma'am bold. sampaloc scandal. paris hilton."

- manong sa Quiapo na tinawag ako para bentahan ako ng pornographic DVD.

hahah! tawa ako nang tawa pag-uwi ko. alam na alam ni manong na nanonood ako ng ganon! ahahaha! (o, wag ka umarte, dumadaan naman karamihan ng tao sa ganyan no?)


 

bibili sana ako wala lang akong pera nun kasi estudyante lang ako at naka-uniform pa. heheh..

========================================================================

"masayang masaya po ako... huhuhuh!"


- aleng nakapasok sa Wowowee sa pa-contest na Willie of Fortune. desperadong manalo.

========================================================================


"itaktak mo na yan to the tune of P5, 000!"


- manager

========================================================================

"paano ko kaya ito itatago?"

- babaeng 14 years old na nabuntis ng kanyang 19 year old na boyfriend na hindi na niya alam kung nasaan na.

========================================================================

"ayoko nang mag-dispute sa sweldo ko dahil mauubos ang oras ko. magtatrabaho na lang ako."


- empleyadong may reklamo sa sweldo niya pero pinili na lang magtrabaho pa rin dahil alam niyang mabagal ang dispute process sa opisina nila.

========================================================================

"antok na ako."

- call center agent na bago lang sa night shift at hindi nakakatulog sa umaga.

========================================================================

"anak, anak, yo ar byutipol layk mami."

- nanay na mine-make-up-an ang anak niyang nangangati ang mukha. sasali kasi sila sa pa-kontest sa TV. That's My Boy.

========================================================================

"ma, dalhin niyo 'ko sa ospital!!!!"

- 16 years old na lalaking feeling emo at sa pag-aakalang ang paglalaslas ang magpapatunay na emo siya, ayun, hindi na tumitigil ang agos ng dugo sa pulsuhan  (ito ang ang tagalog ng wrist?) niya.

PEER PRESSURE.

kasi sabi ng friends niya, emo ang uso. TH!

========================================================================

"hindi ako adik!"

- lalaking dinadala sa rehab.

========================================================================

"salamat sa Diyos buhay ka anak!"

- nanay na umiiyak sa saya dahil naka-survive ang anak niya mula sa motorcycle accident.

sumingit kasi sa lane. ayun, nabangga ng kotse. buhay siya. putol nga lang ang paa.

========================================================================

"boss, baka naman pwede nating pag-usapan 'to?"

- mamang may traffic violation at nagbibigay ng "pang-meryenda" sa pulis na nakahuli sa kanya

========================================================================

 

hindi pa tapos. kaso andami na yata masyado.

wala akong pinapatamaan. ONE LINER lang.


July 30, 2008

MAKATANG TAONG GRASA

ang totoo.. hirap na ako mag-isip. medyo pumurol ang utak ko nitong huli dahil marami akong inaalala (ulol! excuses! hahahah!)


wala talaga akong maisip.

di naman ako nagpaparinig. o nagpapasaring. wala akong kilala.


pinipilit ko pa rin magsulat. kyemelyn! ching ching charing!  hahaha! :)

labyu! mwah!

=========================================================================

sa oras na umalis ka na sa kinalalagyan mo,
saan ka na pupunta?
hindi ka natatakot maligaw pero saan ka dadaan?
sa daang nasa kaliwa?
sa kanan?
o doon sa nasa gitna na nakaharap sa iyo?


hindi ko masasabing ako ay naiiwanan,
dahil mayroon diyang hindi na makaalis.
hindi rin naman masasabing ako ay nauuna
dahil may nakausad na bago pa ako dumating.
pero ako patuloy lang.
saanman mapadpad.
ang alam ko
may narating naman ako.
kahit papaano.

kung ikaw man ay napapariwara
sa tingin ko hindi dahil sa naligaw ka
iyon ay dahil
hindi mo lang alam kung paano mamuhay
sa landas na pinili mong tahakin.


kaya mong magsimula nang mali
at magwakas na tama
minsan naman masyado nang tama
kaya lahat namamali.
walang perpekto.

ang sarap magsalita
sana may nakikinig
minsan may makikinig
wala ka namang matinong masabi

noong hindi ko alam
kaya kong gawin
nang malaman ko na kung paano
lalo yatang pumalpak
anong problema?


lahat sila nagmamadali.
ayokong sumama
ako daw mabagal?
hindi yata.
ayoko lang nang mabilis
pero ayoko ring mahuli.
gumagalaw naman ako
hindi nga lang ako sumasabay sa inyo.


lahat sila nagbago
ako hindi
lahat sila biglang nag-iba
ako hindi
hindi naman masamang magbago
basta huwag kang makakalimot
ako'y makalilimutin kung minsan
pero sa utak lang
sa puso hindi.


gusto kong subukan
natatakot lang ako
buksan ko kaya
pero bigla ko ring isasara
kasi makukulong ka na
sana lang huwag kang masakal.
hindi mainit dito.
pero sana huwag kang lamigin.


pasensya na
wala akong alam
hindi naman ako bobo
di nga lang din nagbabasa



pakiramdam ko malayo na kayo
pero bigla niyo na lang sinabi
hintay...

huwag kayong mayabang
kung magkukumpara ka
siguruhin mong magkalinya tayo
ayoko ring magyabang
pero papatol ako
pag na-bad trip ako.


mabaho ba ako?
madumi siguro
hindi ako nagsisipilyo
pero ang ngiti ko
mas totoo pa kaysa sa iyo.


hindi ako mangkukulam

pero isinusumpa ko

kahit ilang beses ka kumuha ng board exam
hinding-hindi ka papasa.


ayaw niyo sa akin
wala naman akong ihihirit
diyan lang kayo
dito lang ako.




nasa'n na ba kayo?
hindi ako laging nandito.
pero pakalat-kalat lang.
paikot-ikot
pero hindi pa nawawala.

baligtarin ko kaya damit ko

pero wala namang engkanto eh

wala naman kasi akong pupuntahan.

July 12, 2008

MASAYA KA BA SA TRABAHO MO?

DISCLAIMER: MAIDAGDAG KO LANG AH? HINDI AKO NANGDI-DISCOURAGE... NALOLOKA LANG AKO SA COMMENTS. BAKA SABIHIN NG CALL CENTER MASAMANG ELEMENTO AKO. HINDI PO. EXPERIENCE KO LANG TO... KUNG TRIP NIYO MAG-WORK DUN, KEMBOT LANG.

***hindi na muna ako magpapatawa ngayon. magtatanong lang ako..

MASAYA KA BA SA TRABAHO MO? *****

=========================================================================

"PUTANG INA...QUEUEING!!!!!!!!!!"

isang taon na rin pala ang lumipas.isang taon na akong agent. 

noon lang nag-iinarte ako na mahirap ang trabaho ko. nagbabalak mag-resign sa loob ng apat na buwan makawala lang sa training bond ng aming kumpanya. laging ngumangawa na "ayoko na!!!!" o di kaya "antok na ako!!" o kaya naman "gutom na ako."

ayoko na maging bum. sawa na ko sa ganoon. walang sweldo. walang pera. tambay. laging si "PAHINGI." ayoko na nun.

sa ngayon sumusweldo na ako. malaki na rin yung halaga para sa akin kasi unang trabaho ko yun. wag kang mag-alala. hindi nga ako mamasang. hindi rin ako pokpok (wish ko lang kung mag-apply ako may tumanggap sa kin. mamaya may customer nga ako, ako pa ang magbayad!)

pero muli, ang trabaho ko ay sa gabi. call center nga.

ngayon ko na masabi, kahit papaano.. . ang mga katagang...

BUHAY CALL CENTER.
========================================================================

hindi ako beterano.

tenured siguro.

hindi ko rin alam kung anong operational definition nun. basta, sa August 31, 2008.. isang taon na akong nagko-calls, namumura, inaaway, binabastos, pinupuri, hinahamak, kinokomentuhan, nauubusan ng English,nag-iimbento ng mga rules na wala namang ganun,  bumabagsak, pumapasa, pumapasok, umaabsent, half-day, late, kino-coach, sumusweldo, nagii-Starbucks (siyempre may pambili na ko), nagbi-VL (vacation leave), sick leave, nagdadahilan, tinatamad, forced leave, leave na hindi naman, nagla-lunch nang madaling araw, natutulog sa umaga, gising sa gabi, tumatakas, di makatulog, di mapakali, pinagsasabay ang panlalalaki sa calls at naghahanap ng maso-syota among my teammates and co-workers (pucha! wala pa rin.. certified ungas talaga!), pume-petiks na rin... at kung ano-ano pang achuchuchu na nararanasan ng mga nagtatrabaho hindi lang sa call center... kung saan man din.

========================================================================

"ano oras pasok mo next week? "

"11:45 PM, ikaw?"

"10:15"

"pwede bang palit tayo?"

"ayoko nga."

"bakit?"

"mas maaga ang start time ko sa'yo. at nakakatamad ang 11:45"

ako... lungkut-lungkotan.

yan lang minsan ang ayoko. iba-iba ang schedule.

mas gabi, mas ayoko.

mas late, mas nakakatamad.

isang taon na. hindi pa rin ako nakaka-adjust sa hinihingi ng trabaho ko. parang habang tumatagal lalong hindi ako nasasanay. ewan ko ba? o baka nga sa sobrang sanay na ako ayos lang sa akin ang ma-late o wala na lang sa akin ang lahat ng pagbabago na yan.

ang masaya lang yung sweldo. yun lang.

=========================================================================

minsan nga hindi mo na rin namang kayang tagalan ang ginagawa mo sa trabaho lalo na kapag lahat ng ginagawa mo araw-araw o sabihin na nating gabi-gabi ay pareho lang. parehong script, parehong tema, parehong pwesto, parehong tao, lahat na lang. wala na ang buhay mo talaga. napaka-stagnant. (don't get me wrong. hindi namna ito applicable sa lahat ng tao. baka ikaw super saya mo.ako kasi, hindi.)

hindi siguro ako kagaya mo. dedicated masyado sa trabaho. gustong-gusto ng promotion. sino ba ang ayaw? pero ako, karaniwang tao lang ako. nagsasawa. tinatamad kung minsan. hindi naman talaga ako full-blooded batugan. kaso lang talagang naghahanap ka ng ika nga ni Anday(isa sa mga readers), "lasa" sa trabaho.

insecure dahil ang iba nasa mataas na posisyon? hindi 'no? sigurado ako rito. anong premise ba ang maibibigay ko? wala yata. pero i can ascertain that i am not jealous nor am i envious. (dumugo ilong ko dito a?)

 

=========================================================================

o siguro katulad lang din ako ng iba. Nurse kasi ako. Hindi ako dapat nasa call center. kaso anong magagawa ko? wala pa akong trabahong mahanap sa ospital. hindi naman pwedeng walang sweldo. nagbabayad na 'ko ng bills at kahit konti, nahihiya na rin akong manghingi nang manghingi sa nanay ko. 

kung akala ng iba na madali sa call center, nagkakamali sila.

oo, nakaupo ka lang. sasagot ng tawag. pero iba rin pala ang nakikinig ka sa frustration ng ibang tao. nakikialam sa problemang wala namang kinalaman sa iyo. nagbebenta ng produktong hindi naman naiaangkat o naibebenta sa Pilipinas. nakikisakay sa usapang hindi mo naman nararanasan dito. umaayos at nagpo-promote ng teknolohiyang hebigats na hindi mo naman talaga iyon nakita kahit kailan. o kaya naman natutuwa sa mga bagay na ni minsan hindi mo naman nakahiligan.

nagsisimula ang araw mo sa gabi at natatapos ang gabi mo sa araw.

ako nagrereklamo? hindi siguro. nagsasabi lang din ng saloobin. ito ang pinakamagandang excuse na nagagamit ng taong hindi nakakaramdam ng fulfillment. at isa na ako dun.

ano na nga ba ang pinakamagandang trabaho?

katulong?
janitor?
kargador?
dispatsador?
doktor?
nars?
propesor?

ano?

basta yung masaya.

=========================================================================

PERO ALAM MO KUNG BAKIT AKO NAKATAGAL NG ISANG TAON AT NAGTATAGAL PA SA TRABAHO KO?

YUN AY DAHIL SA KASAMAHAN KO.

 

ISANG TAON NA RIN. MAG-RESIGN NA KAYA AKO?

SA'N NAMAN AKO PUPUNTA PAGKATAPOS?

==========================================================================

***hindi na muna ako magpapatawa ngayon. magtatanong lang ako..

MASAYA KA BA SA TRABAHO MO? *****